in

Bam Aquino, humingi ng panalangin sa mga taga-suporta matapos malaglag sa Magic 12 ng senatorial race

Humingi ng panalangin mula sa kaniyang mga taga-suporta si senatorial candidate Bam Aquino matapos malaglag sa Magic 12 ng senatorial race.

As of 11:00PM, nitong Mayo 17, nasa 13th spot si Aquino na may 13,384,293 votes sa partial and official tally ng Comission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Aquino na nagsalita na siya matapos ang 2019 midterm elections noong Lunes dahil sa pangangamusta ng kanyang mga kaibigan.

Hiniling din niya na ipagpatuloy lang ang pagdarasal para sa kanya, gayundin sa bansa.

“Hello everyone! I wanted to make my first public statement after the counting finished, but since so many friends are asking how I am, I just want to tell everyone out there that I’m ok! Please continue praying for me, better yet, please continue praying for and loving our country.”

Dagdag pa niya, anuman ang kalabasan ng eleksyon, hindi mauubos ang pagmamahal niya sa mga Pilipino.

“Hindi mauubos ang pagmamahal ko sa ating mga kababayan maganda man o hindi ang resulta ng eleksyon,” dagdag pa niya.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Aquino ang kanyang mga kapwa kandidato sa Otso Diresto.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment