fbpx
≡ Menu

Imee Marcos, nakuha ang Senate office ni Antonio Trillanes; magsasagawa ng ritual o papabendisyunan sa mga Igorot

Plano ni senator-elect Imee Marcos na magsagawa ng ritual sa gagamitin niyang opisina, na unang inokupahan ni outgoing Sen. Antonio Trillanes.

Nabatid kasi na iyon ang nabunot ni Imee para maging opisina sa pag-upo nito bilang miyembro ng Senado.

“Siguro magpapatawag ako ng mga Igorot namin dahil kailangan basbasan ang office ko dahil kay Sen. Trillanes ata ang nabunot. Iyun na lang natira, nahuli yata ang tao ko. Sabi bunutan eh,” sabi ni Imee.

“Iyun na lang ang natira so kung papayag si Sen. Trillanes, sasabihin ko kay Sonny makikisayaw kami sa mga Igorot namin para mabendisyunan ng todo,” dagdag pa niya.

Isinagawa ang proseso ng pagkuha ng mga opisina ng mga bagong senador sa pamamagitan ng raffle.

Samantala, sinagot ni Trillanes ang sinabi ni Imee ukol sa pagsasagawa nito ng religious rituals sa dating opisina.

Sa isang tweet, sinabi ni Trillanes na kung pinapalabas na masama siyang tao, aniya isa itong kaipokritohan lalo na sa isang Marcos.

“If the religious ritual is meant to help her fulfill her mandate as a newly-elected Senator, then that’s a good thing. But if she’s saying it to insinuate na masama akong tao, then sobrang ka-ipokritohan naman yun, even for a Marcos,” ani Trillanes.