NAKA-LOCKDOWN DAHIL SA NCOV: Nanay, nagmakaawa sa mga pulis na patawirin ang anak na may cancer

NAKA-LOCKDOWN DAHIL SA NCOV: Nanay, nagmakaawa sa mga pulis na patawirin ang anak na may cancer

Isang nanay mula sa Hubei province ang nagmamakaawa sa mga pulis na patawirin sa checkpoint sa Jiujiang Yangtze River Bridge ang kanyang anak na may luekemia para makapagpa-chemotherapy.

“My daughter needs to go to hospital in Jiujiang. She needs to have her treatment. But they won’t let us through,” daing ng 50-anyos na nanay na si Lu Yuejin.

Aniya, kailangang makapunta ng 26-anyos niyang anak na si Hu Ping sa isang ospital sa Jiujiang para sa ikalawang round niya ng chemotherapy, ngunit hindi sila pinatatawid ng mga awtoridad.

Balot ng kumot si Hu habang nagmamakaawa si Lu, na kahit ang anak niya na lang ang padaanin ng mga pulis.

“Please, take my daughter. I don’t need to go past, just let my daughter go past. All I want to do is save her life,” pagmamakaawa ni Lu.

Makalipas ang isang oras na pakikipag-usap ay pinatawid ang mag-ina, pinadaan sa temperature check, at pinasakay sa isang ambulansya.

WATCH: CORONAVIRUS OUTBREAK: MOTHER OF SICK DAUGHTER FROM VIRUS-HIT REGION PLEADS FOR HELP