fbpx

PWDs, miyembro na ng PhilHealth batay sa nilagdaang RA 11228 ni Pangulong Duterte



Saklaw na ngayon ng PhilHealth ang lahat ng mga Pilipinong may kapansanan o persons with disabilities (PWDs) kasunod ng ginawang pag-amyenda sa Republic Act No. 7277 o Magna Carta for Persons with Disability.

Kaugnay nito, nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11228 o “an act providing Philhealth coverage for all persons with disability.”

Sa pamamagitan ng RA 11228, otomatiko nang masasakop ng national health insurance program ng PhilHealth ang mga PWD at ang premium contributions nito ay sasagutin ng gobyerno at ng kanilang mga employer.

Nakapaloob sa batas na kukunin ang pondo para sa kontribusyon ng PWDs mula sa dagdag na Sin Taxes o excise tax sa mga alak at sigarilyo.

Kaugnay nito, inoobliga naman ang mga Local Government Units (LGUs), National Council on Disability Affairs (NCDA), Department of Labor and Employment (DOLE) na isumite ang listahan ng mga PWD sa Department of Health (DOH) para sa kaukulang dokumentasyon.

READ:  Lola, patay nang madaganan ng gumuhong pader sa naganap magnitude 6.1 na lindol

Inatasan na rin ang mga nabanggit na ahensiya na maglabas ng Implementing Rules and Regulations (IRR) sa loob ng 3 buwan matapos maging epektibo ang batas.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment