fbpx
≡ Menu

Konstruksyon ng World Class Sports Complex sa New Clark City, 88% ng tapos para sa SEA Games

Konstruksyon ng World Class Sports Complex sa New Clark City, 88% ng tapos para sa SEA Games

Ginarantiya ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na matatapos ang world-class sports complex ngayong Agosto para 30th Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin sa Nobyembre.

Nasa 15-month construction na ang mga pasilisad sa Phase 1A ng New Clark City sa Capas, Tarlac.

Nasa 90 porsiyento na ang konstruksyon ng 20,000-seater athletics stadium, habang patapos na rin ang 2,000-seater aquatics center, athletes’ village, at ang national government administrative center.

“Right now I think we are at 85 to 88% now, after all the sturdy one ang gagawin na lang dito ay lilinisin na lang ’yung area at aayusin na lang ’yung landscape,” ani BCDA President Vince Dizon.

Dagdag niya, isasapribado ang pamamahala sa pasilidad matapos ang SEA Games.

“The only way to do that in the long term is to privatize the maintenance and operations of all the facilities but still can be used by our athletes,” aniya.

Magaganap ang pagbubukas ng SEA Games sa Nobyembre 30 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ang closing remarks naman ay magaganap sa athletics stadium ng New Clark City sa Disyembre 11.