fbpx
≡ Menu

Leni Robredo, nag-trekking sa Tanay, Rizal matapos ang ‘di pagsipot sa Cabinet meeting ni Pangulong Duterte

Leni Robredo, nag-trekking sa Tanay, Rizal matapos ang ‘di pagsipot sa Cabinet meeting ni Pangulong Duterte

Matapang na tinanggap ni Vice President Leni Robredo ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Mismong si Robredo ang nagkumpirma na tinanggap niya ang nasabing posisyon.

“Hindi laro-laro ang usapang ito. Seryosong usapan kapag buhay ang nakataya. Tinatanong nila ako kung handa ba ako para sa trabahong ito. Ang tanong ko: handa ba kayo para sa akin,” pahayag ni Robredo.

“Kaya kung iniisip niya na sa pagpayag na ito ay tatahimik ako, nagkakamali siya. Simula pa lang, handa tayong tumulong sa ikabubuti ng bayan. Pero kailanman, hindi natin isusuko ang ating mga paniniwala,” dagdag pa nito.

Pero walang Robredo na sumipot sa ika-43 Cabinet meeting sa Malakanyang.

Mababatid na sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na maaari nang dumalo sa anumang Cabinet meeting si Robredo.

Ang pagtanggap kasi nito sa posisyon ay nangangahulugang balik miyembro na siya ng gabinete ng Pangulong Duterte.

Samantala, binatikos ng netizens ang kumakalat na mga litrato ni Robredo kung saan nag-trekking ito nang mahigit isang oras para sa programang solar kits sa Tanay, Rizal

“Meron pa kaming dalawa at kalahating taon. Kung iniisip ko yung 2022, aakyat ba ako sa bundok na kaunti ang tao? Bakit ko sasayangin ang oras ko dito na sobrang hirap umakyat para lang makausap iyong mga kaunting tao na karamihan nga siguro sa kanila hindi ako kilala?” sagot ni Robredo sa isang panayam habang papunta sa Sitio Macantog ng naturang bayan.