in

Babaeng tsismosa, naipit ang ulo sa pagitan ng mga bakal ng gate ng kapitbahay

Mahilig ka ba sa tsismis? Mag-ingat kung ayaw mong matulad sa isang babae sa Colombia.

Nag-viral kamakailan ang larawan ng isang babae, na naipit ang ulo sa pagitan ng mga bakal ng gate, dahil umano sa katsitsimis.

Ayon sa ulat ng isang istasyon ng radyo sa Columbia, isang hindi pinangalanang babae ang nais umanong makiusyoso sa nangyayari sa loob ng bahay ng kanyang kapitbahay.

Upang malinaw na makita ang nagaganap, ipinasok ng babae ang kanyang ulo sa pagitan ng mga bakal, na nagsisilbing harang sa pinto ng bahay, pero na-stuck ang ulo nito.

Dahil dito pinagkaguluhan ang babae sa kanilang lugar.

Bagamat hindi pinangalanan ang babae at walang ibang detalye, makikita sa mga larawan ang pagsaklolo ng ilang awtoridad sa babaeng naipit sa bakal ang ulo.

Ayon sa ulat, inabot ng limang oras bago tuluyang naalis ang ulo ng babae sa pagkakaipit.

Masuwerte naman hindi kita ang mukha ng babaeng tsismosa sa mga larawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment