fbpx

Mayor Sara Duterte: 3M boto ninakaw kay Pres. Duterte; Leni Robredo, nakinabang umano sa dayaan



Iginiit ni Davao City Mayor Sara Duterte na ninakawan umano ng halos 3 million votes ang kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 presidential elections.

Ito ang pahayag ni Mayor Sara matapos niyang tawagin si Vice President Leni Robredo bilang ‘fake VP’ na aniya’y nakinabang sa di umanong malawakang dayaan na naganap noong 2016.

“Ang ine-estimate namin, about two to three million votes that President Duterte lost because nilipat sa ibang kandidato,” saad ni Mayor Sara.

Ayon kay Mayor Sara, ang kaniyang ama ay dapat na nanalo nang 17 hanggang 19 million votes sa naturang eleksyon.

“There an estimate two to three million votes shaved off from the votes of President Rodrigo Duterte. So nasa 17 to 19 million yung real votes ni President Duterte, not 16 million,” saad ng alkalde.

Inihayag pa ni Mayor Sara na magproprotesta dapat ang Pangulo ngunit hindi ito pinayagan dahil ang mga natalong kandidato lamang ang binibigyan ng permisong mag-file ng electoral protest ayon sa 1987 Constitution at sa Omnibus Election Code.

READ:  Clark International Airport, naisaayos ng wala pang 48 oras matapos mapinsala ng magnitude 6.1 na lindol

“Kung puwede lang mag protesta si President Duterte for the votes that he lost because of cheating… But that because nanalo siya, he cannot file a protest because he’s a winner. ‘Di ba? So, ‘yun yon.”

“We do not, hindi na natin ma-account ngayon because he cannot file protest, because he won. Tinitingnan natin yung boto ng mga senators, yung boto ni Leni Robredo, nung ibang candidates, makikita kung nasaan yung mga boto,” sabi ni Mayor Sara.


Like it? Share with your friends!

Leave a Comment