Doktor, arestado matapos magbenta ng overpriced na donasyong thermal scanner

Doktor, arestado matapos magbenta ng overpriced na donasyong thermal scanner

Nasa P1.4 million ang halaga ng thermal scanners ang nasabat ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang doktor na ibinebenta sa mas mataas na presyo.

Ayon sa NBI, ang suspek na doktor ay kinilalang si Dr. Cedric John Sarmiento de Castro at kasamahan nitong si Richard Suay Beloy.

Nasa 150 units ang nakumpiska sa mga suspek na ibinibenta sa halagang P9,500 kada piraso pero ang orihinal nitong presyo ay aabot lamang sa P800 hanggang P1,500 kada piraso.

Nadiskubre ng NBI na ang naturang thermal scanners na sinasabing donasyon lamang sa suspek dahil isa siyang presidente umano ng isang Non Government Organization (NGO) sa New Manila.

Pero ayon sa suspek ang mga scanners na kanyang ibinebenta ay sobra niya sa kanyang mga idinonate sa mga ospital.

Hawak na ngayon ng NBI ang suspek at dadalhin sa Quezon City Prosecutor’s office para maisalang inquest ngayong araw na mahaharap sa kasong profiteering at hoarding.