in

20 saksak sa buong katawan, tinamo ng 16-anyos na babae sa Cebu ayon sa autopsy report

Nasa mahigit 20 na saksak ang tinamo ng na si Christine Lee Silawan, ang 16-anyos na grade 9 student na natagpuang pinaslang at binalatan ang mukha sa Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City sa Cebu.

Sa autopsy report na isinagawa ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory sa bangkay ni Silawan, lumabas na sa 20 ang tinamo nitong saksak at pinaka-fatal ang nakita sa leeg ng biktima.

Nagtamo rin ang biktima ng siyam na defense wounds na indikasyon na nanlaban ito sa mga suspek.

Dahil sa dami ng tinamong mga saksak ng biktima, masasabi na dalawa hanggang sa tatlong suspek ang responsable sa krimen.

Isang saksi naman ang lumutang at sinabing tatlong lalaki ang gumawa ng krimen na hinihinalang mga adik.

Isang collector sa misa ang biktima at ayon sa ina nito, nagpaalam itong pupunta sa simbahan ngunit hindi na nakauwi ang anak.

Bangkay na nang matagpuan ang dalaga sa isang bakanteng lote sa Barangay Bangkal sa Lapu-Lapu City.

TINGNAN ANG MGA LARAWAN NG BIKTIMA MATAPOS ANG ISINAGAWANG AUTOPSY: https://www.facebook.com/selorioglonarie/posts/2069506593131574

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0