in

Peter Advincula alyas Bikoy, umamin na pawang scripted at kasinungalingan ang “Totoong Narcolist” video

Sumuko na sa mga otoridad si Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’ – ang lalaking nasa serye ng “Ang Totoong Narcolist” videos na nag-uugnay sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa umanoy kalakaran ng ilegal na droga sa bansa.

Si Peter Advincula ay sumuko sa Northern Police District at agad dinala sa PNP Headquarters sa Camp Crame.

Matapos sumuko, naglabas ng pahayag si Advincula na para pasinungalingan ang lahat ng kaniyang mga inilantad sa mga black propaganda videos.

Ayon kay Advincula, ang lahat ng episode 1 to 5 ng “Ang Totoong Narcolist” videos kung saan siya ay nagpakilalang “Bikoy” bilang narrator sa mga video ay pawang scripted lahat at kasinungalingan.

“Lahat ng nangyari sa Ang Totoong Narco-list, video episode 1 to video episode 5… lahat iyun pawang scripted, lahat iyun pawang kasinungalingan,” paglalantad ni Advincula.

“Walang katotohanan lahat-lahat iyun at iyun ay pawang orchestrated lang ng mga nasa kabilang party, which is Liberal Party under the handling of Senator Sonny Trillanes IV,” dagdag niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment