≡ Menu

Pangulong Duterte, bibisita sa mga lugar na apektado ng pag-alboroto ng Taal Volcano

Pangulong Duterte, bibisita sa mga lugar na apektado ng pag-alboroto ng Taal Volcano

Nakatakang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lugar na apektado ng pag-alboroto ng Taal Volcano ngayong araw ng Martes, Enero 14.

Sa ambush interview matapos ang pagbisita sa Philippine Marine Corps (PMC) sa Fort Bonifacio, Taguig City kinumpirma ng Pangulo na mag-iikot siya sa mga apektadong lugar ng bulkan.

Nais aniya niyang mabisita ang lahat ng naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano.

Gayunman, sinabi ng Pangulo na inabisuhan siya ng kaniyang doktor na maging maingat sa patuloy na nararanasang ashfall bunsod ng phreatic activity ng bulkan.

“Yes, mag-ikot ako. I want to go around, I want to visit the affected area, kaya lang I have been warned by my doctor to be careful, because of the ashfall,” sabi ng Pangulo.

Sa huling abiso ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang Taal Volcano at tumitindi pa ang eruptive activity ng main crater nito.