fbpx
≡ Menu

Nurse na pauwi sa Pinas, tumulong sa pagpapaanak sa kapwa Pinoy sa loob ng eroplano

Hinangaan ng netizens ang kabayanihan ng isang nurse mula sa Bacolod City matapos tulungan ang isang ginang na napaanak sa loob ng eroplano.

Ayon kay Francis Dominic Mendoza, lulan sila ng eroplanong Qatar Airways mula Doha at pauwi na ng bansa nang mangyari ang hindi inaasahang pagkakataon.

Nagsimula na umanong maglabor ang babae kaya agad itong inasikaso ng nurse.

Nagsagawa ng emergency landing ang eroplano sa Bangkok para mabigyan ng medical assistance ang nanay at sanggol.

Ayon kay Mendoza, nagtulong-tulong sila ng mga Pinoy cabin crew upang ligtas na makapanganak ang ina ng munting anghel.

Gumamit sila ng mga improvised materials mula sa eroplano at available first aid kit.

“I have never been so happy and fulfilled as a nurse! Assisting this woman who bravely delivered a healthy baby boy inside the plane while we were in the middle of the flight was just so Amazing. Nothing more!” mensaheng isinulat ni Mendoza sa kanyang Facebook post.

Sabi pa ni Mendoza, bahagi ng kaniyang responsibilidad ang pagtulong sa mga nangangailangan kahit sa labas ng ospital.

“Although some people have called what I did a heroic act, I only did what a nurse should do in a situation like that,” dagdag pa niya.

Si Mendoza ay nagtratrabaho bilang nurse sa Dublin, Ireland.