in

Paglikha ng Philippine Space Agency, inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado

Inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang maglilikha sa Philippine Space Agency (PhilSA).

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1983 o mas kilalang Act Establishing the Philippine Space Development and Utilization Policy and Creating the Philippine Space Agency, magsisilbing strategic roadmap para sa space development ang PhilSA.

Kukunin umano ang pondo para sa space program na nagkakahalaga ng P1 billion mula sa fiscal year’s appropriation ng Office of the President.

Samantala, ang pondo naman para sa susunod na operation at maintenance nito ay isasama sa General Appropriations Act.

Dagdag na P10 billion ay magmumula naman sa gross income ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa loob ng limang taon.