fbpx
≡ Menu

Pangulong Duterte, minura at may banta laban kay KAPA founder Pastor Joel Apolinario

Pangulong Duterte, minura at may banta laban kay KAPA founder Pastor Joel Apolinario

Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat matigil at maipasara sa lalong madaling panahon ang operasyon ng Kapa-Community Ministry International kaugnay sa ginagawa nitong panloloko sa kanilang mga miyembro o investors.

Sa pahayag ng Pangulo sa kanyang pamamahagi ng certificate of land ownership award (CLOA) sa mga agrarian reform beneficiaries sa Lagao Gymnasium, General Santos City.

“Tuo mo nako kay abogado ko, inyo kong Presidente. Kung naa pay tinuod ana, ako nay muingon na sige asta ko muapil na. Ayaw mog sulod ana kay ilad na (Believe me because I’m a lawyer, I am your President. If indeed that’s for real, I will be the one to tell you to go ahead, and I’d even join myself. But don’t you get involved in that because that’s a scam),” ani Pangulo.

Sinabi ng Pangulo, kailangang maipatupad ang batas at panagutin ang mga taong nasa likod ng malaking panloloko sa mga biktima.

Kasabay nito, tahasang binalaan at pinagbantaan din ni Pangulong Duterte ang founder ng KAPA na si Pastor Joel Apolinario na kanya pang pinagmumura.

Ayon kay Pangulong Duterte, hinihintay na sa impiyerno si Pastor Apolinario.

Humihingi naman ng paumanhin ang Pangulo sa mga nabiktima ng KAPA lalo na ang mga nakuhanan ng malaking halaga ng pera.

Nagpahayag pa si Pangulong Duterte na kung pustiso ang ngipin ni Apolinario, kanya itong ipakakain.

Binalaan din ng Pangulo ang mga agrarian beneficiaries na huwag subukang ibenta o isangla ang titulo ng lupa dahil kapag nagkataon, ipatatawag niya at sila’y papipilahain para pagsusuntukin, babae man o lalake.

“Sabi ko cash on, nandiyan na ang mga titulo nyo. Nay koy tambag (may payo ako sa inyo) Hinay hinay lang baligya para capital sa KAPA (dahan-dahan nyong ibenta yan para ipang capital sa KAPA). Iprenda kay ugma ipatawag ta mo ug palinyahon ta mo ngari sumbag dawat babaye ug laki (iprenda niyo at bukas ipapatawag ko kayo lahat. Palinyahin ko kayo diyan at pagsusuntukin ko kayo. Mapa-lalaki o babae man) Maminaw mo ha. (makinig kayo ha),” ani Pangulong Duterte.