LABAN LANG WUHAN! Payo ng isang taxi driver sa Thailand na gumaling laban sa coronavirus

LABAN LANG WUHAN! Payo ng isang taxi driver sa Thailand na gumaling laban sa coronavirus

Nagbigay ng payo ang isang taxi driver sa Thailand sa Wuhan, China na siyang sentro ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV) na kumitil na ng maraming buhay sa China.

Nitong Miyerkoles, binahagi ng hindi kinilalang driver ang pinagdaanan niya matapos magpositibo sa coronavirus at dineklarang ligtas na sa virus.

“I watched the news everyday from my quarantine room and send my support to Wuhan. Even I can beat it. So can you,” pahayag ng 50-anyos na driver.

Ayon sa kanya sa Bangkok Post, huminto siya agad sa pagmamaneho nang mapansin niyang may flu-like symptoms siya.

Agad siyang nagpakonsulta sa isang ospital at dito na-diagnose siyang positibo sa coronavirus noong Enero 28.

Grabe umano ang kondisyon niya at minsang umasa sa oxygen device para lang makahinga.

Maaari aniyang nahawa ito sa mga turistang Chinese na kostumer niya.

Sa kabila nito, wala aniya siyang galit sa mga Chinese dahil kapamilya ang tingin niya sa mga ito.

“I will continue to pick up tourists, and I don’t feel bad about them. I watched the news when I was in the quarantine. I send my moral support to the people in Wuhan everyday, I want them to keep fighting,” pahayag niya.

Isa umano ang driver sa siyam na pasyenteng nakarekober sa coronavirus.

Pinuri naman ni Health Minister Anutin Charnvirakul ang hindi pinangalanang taxi driver dahil sa pinakita nitong magandang halimbawa sa pag-isolate sa kanyang sarili nang hindi na makahawa at agad nagpagamot matapos sumama ang pakiramdam.