in

31 artista at ilang love team kabilang sa drug watchlist ng PDEA

Hinamon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga television networks sa bansa na kusang magsagawa ng susrprise at mandatory drug test sa kanilang mga artista.

Maaari naman aniya na gawin itong pribado o kompidensyal at hindi na ilalabas sa publiko ang resulta.

Ito ang pahayag ni PDEA director general Aaron Aquino matapos niyang isiwalat na 31 artista ang nasa kanilang drug watchlist.

“I just hope that na kung mangyari man, lahat sana ng celebrity present just to be, just to show to the public that they are clean,” ani Aquino.

Sa unang ulat, sinabi ni Aquino na 11 sa 31 na artista sa kanilang drug watchlist ay aktres, 17 ang mga batang aktor, nasa kanilang 20s at 30s, habang ang natitirang tatlo ay matatanda nang artista, nasa 40s at mayroon din umanong mga love teams sa listahan.

Nagbabala si Aquino na hindi magdadalawang isip ang PDEA na arestuhin ang mga artista na sangkot sa ilegal na droga.

“Marami na rin kaming nahuling mga artista and huwag niyo nang hintayin mahuli namin kayo. Huwag niyo sabihin nasa hotel kayo, condominium, nasa exclusive subdivision, bibirahin namin at bibirahin namin kayo,” ani Aquino.

Samantala, aminado naman ang pulisya na hindi madali ang pagkalap ng ebidensiya laban sa mga artista na nasa watchlist.

“It remains a challenge for PNP and PDEA on how to build a strong case against the persons in the watchlist,” sabi ni Police Colonel Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0