fbpx
≡ Menu

Ben Tulfo kay PNP Chief Oscar Albayalde: Pagkatapos mo mag-PNP chief, pwede na kitang dagukan

Ben Tulfo kay PNP Chief Oscar Albayalde: Pagkatapos mo mag-PNP chief, pwede na kitang dagukan

Muling binanatan ni Ben Tulfo sa kanyang programang ‘Bitag Live’ si Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde dahil umano sa naging komento nito tungkol sa patanggal sa security details ng kanyang kapatid na si Erwin.

“Oca, makinig ka! Tutal hanggang Oktubre ka na lang diyan, dapat na pumalit na sa iyo si Guillermo Eleazar. Maling-mali ang sabi mo na kapag kasalanan ng tatay ay kasalanan din ng anak,” sabi ni Tulfo.

“Halika nga sandali. Pagkatapos mo mag-PNP Chief pwede na kita madagukan,” dagdag niya.

Binanatan ni Ben ang PNP chief dahil sa pagtanggal sa police at marine security escorts sa kanilang magkakapatid.

Sapul din kay Tulfo ang “pagsawsaw” umano ng ilang Philippine Military Academy (PMA) brotherhood sa isyu sa pagitan ni Erwin Tulfo at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista.

Hindi rin nagustuhan ni Ben ang pag-kansela sa lisensiya ng baril ni Erwin dahil ito raw kailangan ng kanyang kapatid dahil sa mga banta sa buhay.

“Ang lisensiya ng baril ay puwede mong tanggalin kung sakali you committed a crime, tinutok mo, o abusado ka. Kung sasabihin ninyo ay ang lisensiya ng baril ni Tol Erwin ay ikakansela niyo. Dahil lamang nagsalita? Nabuwsit kayo dahil tinamaan ang brotherhood niyo. Putres na brotherhood ito. Kung ganyan na lang, ‘wag tayong maglokohan,” banat pa ni Tulfo.