fbpx
≡ Menu

Pangulong Duterte, nabuwisit sa oposisyon o politikong humahadlang sa operasyon ng 3rd telco company sa bansa

Hindi naitago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matinding pagkadismaya sa mga politiko na pilit humahadlang sa operasyon ng third telecommunications company sa bansa.

Sa isang talumpati, hindi naitago ng Pangulo ang pagkainis at pagkadismaya sa mga politiko at nasa oposisyon dahil sa mga pagdududang pagkakitaan ang pagpasok ng third telco.

Ito aniya ang dahilan kaya nade-delay nang husto ang proyekto na dapat sana ay pinakikinabangan na ng mga Pilipino.

“What I’m trying to say is we are delayed because everytime government embarks on a program for the people, it is always suspect of corruption,” sabi ng Pangulo.

Aniya, ito ang dahilan kaya nawawalan ng gana o kaya ay umaatras ang mga dayuhang nais mamuhunan sa bansa dahil sa estilo ng mga politikong laging nagdududa sa mga proyekto ng gobyerno.

“Kaya ‘yung iba hindi na gaganahan. Wala talagang maganda lalo na if you happen to be in the opposition. Kabobo mo naman kung hindi mo alam na may foreign equity ‘yan o consortium of foreigners. If you do not know how to improve the country and you always think in terms of money, something is wrong with you. I’m talking about the politicians,” dagdag ng Pangulo.

Hindi pa rin nakakapagsimulang mag-operate ang nanalong third telco na inaasahang magbibigay ng mas magandang internet service sa bansa dahil sa pilit na panghaharang umano ng ilang politiko na hinihinalang pakana ng Globe Telecom and PLDT-Smart na magiging kakompitensiya ng bagong telco.