≡ Menu

Isang manager ng fast food chain na binuhusan ng softdrinks ng aroganteng customer, mas hinangaan ng netizens

Isang manager ng fast food chain na binuhusan ng softdrinks ng aroganteng customer, mas hinangaan ng netizens

Nagawa pa ring maging mahinahon ng isang manager ng fast food chain sa customer na nambastos sa kanya nang dahil lang sa straw.

Ikinuwento ni Imee Joy Urgelles sa isang Facebook post ang pagbuhos sa kanya ng softdrinks ng hindi makaintinding customer na pilit nanghihingi ng straw sa kabila ng pagpapatupad ng “straw less” policy sa restaurant.

“Sa customer na nagbuhos sakin ng softdrinks dahil sa “straw less” kami ingat po kayo. Thank you dahil sa inyo napatunayan ko na effective manager ako hindi ko man nabigay ang straw na kailangan mo at least na-explain ko nang maayos kung bakit wala kaming straw,” sabi ni Urgelles sa post.

Mahigpit na ipinagbabawal sa maraming lugar lalo na sa mga lungsod ng Metro Manila ang paggamit ng plastic kasama na rito ang straw at iba pang food containers gaya ng plastic cups, spoons, forks at styrofoams.

Kahit pa naka-experience ng aroganteng customer, saludo pa rin si Urgelles sa mga matalinong customers na marunong umintindi sa patakaran.

“Sa lahat ng fastfood customer na nakakaintindi at nakakaunawa ng “straw less” kudos sa inyo.”

Sa pagtatapos ng post ni Imee, nabanggit niyang nanay pa naman niya ang nagplantsa ng kanyang uniporme pero tuloy pa rin daw ang trabaho niya nang araw na iyon matapos ang insidente.

Dahil dito, hinangaan ng mga netizens ang ginawa ni Urgelles na dapat ay magsilbing aral ang pangyayaring sa iba.

Nakakahiya naman yung nagbuhos sayo parang hindi edukado or edukado nga ba? Strawless? Baka hindi nauunawaan. Hahaha.

Mam okay lang yon, tuloy ang laban. Tayo ay sumusunod lang. Yung customer na yon ang nakakahiya nakapa-unprofessional.

Nakita ko kahapon yun na kinakausap si Mam. Napaka babaw ng kinagagalit niya. Nakakabwiset dahil sa straw lang galit na galit. Siguro kung ibang bagay pa yan. Nakapatay na yung babaeng yun.

Dapat diyan pinasisipsip ng straw yung isa nasa coke, yung isa nasa labas ng baso. Tignan nalang natin kung masipsip pa niya ang drinks niya.

Inaabuso kasi niyang mga yan yung SALITANG “CUSTOMER’S IS ALWAYS RIGHT” pero bilib ako sa patience mo dahil kalmado ka padin.

Good job for being a professional madam. Hindi talaga maiiwasan sa field ng work natin ang mga ganyang klaseng customer, alagang Jollibee pa din.