in

Mga gurong kasapi ng ACT na sangkot sa rebelyon, kakanselahin ang lisensya at kakasuhan ng PNP

Hindi na mapipigilan ang Philippine National Police (PNP) na kasuhan ang mga gurong miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na konektado umano sa mga rebeldeng komunista at nakikiisa sa mga hakbanging mag-alsa laban sa gobyerno.

Iyan ang tiniyak ni PNP Chief General Oscar Albayalde matapos na ibasura ng korte ang kasong isinampa ng ACT laban sa PNP bunsod ng pagsasagawa ng surveillance at profiling sa mga private at public school teachers.

Muling iginiit ng PNP Chief na walang ginagawang profiling ang kanilang hanay bagkus ito’y bahagi aniya ng Intellegence effort bilang bahagi ng kanilang mandato na protektahan ang estado mula sa mga kaaway nito.

Giit ni Albayalde na may karapatan silang magsampa ng kaso laban sa grupo kapag nagkaroon sila ng matitibay na ebidensya na magpapatunay na may partisipasyon sila sa rebelyon.

Una nang inamin mismo ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na kabilang ang ACT sa kanilang front organizations bagay na itinatanggi naman ng grupo.

Maliban sa paghahain ng kaso kung mapatutunayang sangkot ang mga guro sa rebelyon, sinabi ni Albayalde na hihilingin nila sa Professional Regulation Commission (PRC) na kanselahin ang lisensya ng mga miyembro grupo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment