≡ Menu

Pangulong Duterte kay Franklin Drilon: If I go down, I will drag you down. Tell the truth about Manila Water and Maynilad contracts

Pangulong Duterte kay Franklin Drilon: If I go down, I will drag you down. Tell the truth about Manila Water and Maynilad contracts

Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte kay Senate Minority Leader Franklin Drilon na ilabas ang katotohanan tungkol sa mga kontrata ng dalawang private water concessionaires.

Ayon sa Pangulo, dapat sabihin ni Drilon sa taumbayan kung makakabuti ba para sa mamamayan ang kontratang pinasok ng gobyerno noong 1997 sa Maynilad Water Services, Inc. at Manila Water.

Sinabi pa ng Pangulo na hindi siya nagbabanta pero hahatakin niya si Drilon kapag bumaba siya sa pwesto.

“I distinctly recall that Drilon said something, ‘Presidente Duterte, do not tinker with that contract because we will end up paying so many billions of pesos.’ Senator Drilon, are you one of those who crafted the contract? I’m asking you,” sabi ng Pangulo.

“I’m ready to go down. Hindi kita tinatakot. Pero ‘pag bumagsak ako, dadalhin talaga kita. I’m not trying to scare you but if I go down, I will drag you down. I’m not afraid. I’m not challenging you. Just tell the people the truth. You read the contract aloud and say if it is good for the people,” dagdag pa nito.

Iginiit ng Pangulo na ang may iregularidad sa mga kontrata dahil naglalaman ito ng mga probisyon na humaharang sa gobyerno na mangialam sa rate adjustments, maging sa pagpapahintulot ng indemnity claims.

“This has been going on a long time. No one’s talking because they’re afraid of Ayala and Pangilinan money, especially during the elections. Because you need it. That’s why no one talks,” ani Pangulo.

“But when I saw the contract, sabi ko, putang ina ‘to. They are screwing us and they’re screwing us all the way,” dagdag pa niya.

Pinuna rin ng Pangulo ang pag-kategorya sa tubig bilang isang commodity at hindi bilang isang natural resource.

Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod ng Arbitration Court sa Singapore na inaatasan ang Philippine Government na bayaran ang Maynilad ng P3.6 billion at Manila Water ng P7.4 billion dahil sa lugi mula sa hindi naaprubahang rate increase.