in

Archbishop Socrates Villegas, binura ang viral video laban sa mga tirada ni Pangulong Duterte

Hindi na makikita sa Facebook profile ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang inilabas niyang viral video kung saan ipinakikita ang video clips ng mga pag-atake ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katoliko.

Sa ipinalabas na video, hinimok ni Villegas ang publiko na huwag ipagkanulo ang Diyos at ikaila ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng kanilang boto.

Ang video ay tumagal ng walong minuto at naglalaman ng mga naging banat ng Pangulo laban sa Simbahang Katoliko at sa mga obispo.

Gumamit rin si Villegas ng mga iba’t-ibang talata sa bibliya habang nagtapos ang video sa pamamagitan ng video clips na nagpapakita sa paghihirap ni Hesukristo sa kalbaryo.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, malinaw na hindi alam ni Archbishop Villegas ang ibig sabihin ng anti-Christ.

“I will consider his statements as indication that he doesn’t know what anti-Christ means. When you say anti-Christ, you go against the teachings of Christ,” ani Panelo.

Ang viral video hinggil sa tamang pagpili ng kandidatong iluluklok sa puwesto sa darating na eleksyon ay binatikos ng mga taga-suporta ng Pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0