in

ABS-CBN lady boss na nangmanyak kay Gretchen Fullido, pormal nang kinasahuhan ng sexual harassment

Pormal nang kinasahuhan ng reklamong paglabag sa Republic Act 7877 o Anti-Sexual Harassment Act ang dalawang ABS-CBN executives na sina Cheryl Favila at Maricar Asprec, walong buwan mula nang ireklamo sila ni Gretchen Fullido.

Lumabas sa desisyon ng Quezon City Fiscal’s Office na may sapat na basehan para kasuhan ang dalawang ABS-CBN executives dahil ikinunsidera na ‘request for sexual favors’ ang mga text messages na natanggap ni Fullido galing kina Favila at Asprec.

Partikular daw rito ang text message ni Favila kung saan hinikayat nito si Fullido na maging “Thursday Girl” — bagay na tinanggihan umano ng showbiz reporter.

Lumabas din sa imbestigasyon ng Quezon City Pro­secutor’ Office na may “double meaning” at “sexual undertones” umano ang text messages na ipinadala ni Favila kay Gretchen.

Nag-ugat ang reklamo ni Fullido dahil sa ilang taon na siyang ginipit sa trabaho ng dalawang dating ABS-CBN executives matapos nitong tanggihan ang kanilang sexual favors.

Si Fullido ay Star Patroller o entertainment segment host at reporter ng TV Patrol. Si Favila ay dating supervising producer ng TV Patrol habang si Asprec ay kasalukuyang segment producer ng news program.

Matatandaan na noong ika-16 ng Hulyo 2018, naglabas ng desisyon ang ABS-CBN na pag-dismiss sa kaso laban kay Favila ngunit liable sa gross misconduct na nagresulta sa kanyang dismissal.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment