fbpx
≡ Menu

Pangulong Duterte, ipinag-utos sa COMELEC na putulin na ang kontrata sa Smartmatic

Pangulong Duterte, ipinag-utos sa COMELEC na putulin na ang kontrata sa Smartmatic

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Elections (COMELEC) na putulin na nito ang kontrata sa Smartmatic para sa transmission ng election results sa Pilipinas.

“I would like to advise COMELEC now, di ko na lang hintayin. Dispose of that Smartmatic and look for a new one that is free of fraud,” saad ng Pangulo sa kanyang speech sa Filipino community sa Japan.

Dagdag pa niya, ayaw na umano ng mga tao sa Smartmatic dahil hindi nabibilang nang totoo ang mga boto nito.

“Kasi ang liberal, sabi nila nadaya sila. Ako sabi nila nadaya rin. It’s creating an environment of hostile attitude. Improve on the system, stop using Smartmatic. Ayoko naman mag-attribute ng corruption. Kasi pabalik-balik na ‘yan bakit pa sige Smartmatic na hindi naman nagbibilang… tapos nasisira,” ani ng Pangulo.

“Anything that promotes cheating. Why are you insisting sa Smartmatic? Because bidding? ‘Yung boto ng Pilipino hindi nabibilang nang totoo. If you use that in the next election three years from now I don’t know what will happen. Something has got to give. Improve on the systems. Stop using Smartmatic,” dagdag ng Pangulo.

Giit ng Pangulo na i-aanunsyo niya sana ito sa kanyang ika-4 na State of the Nation Address (SONA) sa July.

“I was reserving that for the SONA. I will tell the Comelec, independent body ‘yan, pero sabihin ko talaga sa kanila. I will assure you, I will bring this matter before the nation. At sabihin ko sa kanila stop it, because you are creating a problem na puputok talaga,” saad ng Pangulo.