Batas para sa mahihirap na ipinagkait ni Noynoy Aquino, nilagdaan na ni Pangulong Duterte

Batas para sa mahihirap na ipinagkait ni Noynoy Aquino, nilagdaan na ni Pangulong Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na layong bigyan ang mga mahihirap ng access sa government services at hihikayatin ang pribadong sektor na mag-invest sa poverty alleviation programs.

Isa nang ganap na batas ang Republic Act 11291 o Magna Carta of the Poor.

“It is the declared policy of the State to uplift the standard of living and quality of the poor and provide them with sustained opportunities for growth and development. It shall adopt an area-based, sectoral and focused intervention to poverty alleviation where every poor Filipino must be empowered to meet the minimum basic needs through the partnership of the government and the basic sectors,” ayon sa batas.

Sa ilalim ng batas, inaatasan ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno na tiyaking maibibigay sa mga mahihirap ang pangangailangan nito tulad ng pagkain, disenteng hanapbuhay, libre at dekalidad na edukasyon, bahay at mga serbisyong pangkalusugan.

Ang mga ahensyang tinutukoy ay: Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Department of Agriculture (DA).

Ang DSWD, katuwang ang NEDA at National Anti-Poverty Commission (NAPC) ay tutukuyin ang mga kwalipikadong benepisyaryo.

Ang kita dapat ng mga benepisyaryo ay mababa sa poverty threshold na itinakda ng NEDA at ang mga hindi kayang punan ang kanilang pangangailangan, tulad ng pagkain, health care, edukasyon, pabahay at iba pa.