≡ Menu

21 pasahero ng jeep, nahulog sa bangin habang lumilikas mula sa nag-aalburotong Taal Volcano sa Batangas

21 pasahero ng jeep, nahulog sa bangin habang lumilikas mula sa nag-aalburotong Taal Volcano sa Batangas

Tinatayang nasa 21 na pasahero ng jeep ang naaksidente nitong Linggo ng gabi habang lumilikas sa Barangay Barigon sa bayan ng Agoncillo sa Batangas.

Bumulusok ang sinasakyang jeep sa bangin habang lumilikas ang mga mangingisda sa pagputok at pagbuga ng abo ng Taal Volcano, kinumpirma ni 3rd District Batangas Rep. Ma. Theresa Collantes.

Ayon naman kay Mayor Wilson Maralit, mga residente ng Balete ang mga mangingisda na nagta-trabaho sa iba-ibang palaisdaan sa Batangas.

Samantala, pansamantalang ipinatigil ang evacuation sa bayan ng Agoncillo kagabi dahil sa tuloy-tuloy na ashfall, pagyanig, at madilim na paligid sa lugar.

Naka-standby na ang mga kawani ng Disaster Risk Reduction Management Council sa munisipalidad at probinsya para sa anumang oras na pagresponde sa lugar.