in

Atty. Larry Gadon, nagpuyos sa galit dahil ninakawan umano ng boto para paburan ang ilang administration candidates

Naniniwala si Atty. Larry Gadon na nabiktima siya ng dagdag-bawas sa katatapos na 2019 midterm elections noong Mayo 13 para makinabang ang mga kandidato ng administrasyon.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi nitong “napakarumi at madaya” ang nangyaring eleksyon.

Giit ni Gadon na kataka-taka na 1 million lang ang naidagdag na boto sa nakuha niyang 2 million na boto noong tumakbo siya sa pagka-senador noong 2016.

Mas popular din aniya siya ngayon at pinagkakaguluhan kahit saan magpunta maging sa social media kumpara sa ibang mga kandidato.

“Naniniwala ako na nabiktima ako ng dagdag-bawas. Na-shave ang aking mga boto upang idagdag sa mga admin candidates. Ako ay nadaya. Ang boto ko ay nadagdag sa mga admin na mahina,” ani Gadon.

Tinawag pa nitong “Smartmagic” ang Smartmatic habang “Komolek” ang Comelec dahil naka-program na umano ang dayaan sa mga SD cards.

Sa kanyang pahayag, iginiit pa ni Gadon na garapalan ang ginawa umanong pandaraya dahil mas grabe ang dagdag-bawas ngayon kumpara noong 2016.

Paliwanag ni Gadon, wala pa sa kalahati ng 1-percent ang nabibilang noong itinigil ng 1:19AM at nagbilang muli ng 3:00AM at umabot na agad sa 92-percent ang nabibilang.

Samantala, batay sa election returns mula sa 95.17 percent ng clustered precincts nationwide as of 5:53PM, nasa ika-28 si Gadon sa senatorial race sa botong 3,337,896.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment