fbpx
≡ Menu

Beteranong aktor na si Eddie Garcia, pumanaw na sa edad na 90

Beteranong aktor na si Eddie Garcia, pumanaw na sa edad na 90

Pumanaw na ang beteranong aktor na si Eddie Garcia sa edad na sa 90.

Ito ay makaraan ang ilang araw matapos siyang ma-comatose matapos mapatid sa set ng kayang upcoming teleserye sa Tondo, Maynila.

Ayon sa huling medical bulletin na inilabas ng Makati Medical Center, namatay si Garcia kaninang 4:55 ng hapon makaraan siyang dumanas ng spine injury noong ika-9 ng Hunyo.

Ang nasabing medical bulletin ay nilagdaan nina Dr. Artemio Cabrera Salvador na siyang Division Head ng Patients Relations – Quality Management Division at Dr. Johnny Sinon na siyang medical director ng Makati Medical Center.

Sa pamamagitan naman ng pahayag sa social media ay kinumpirma rin ng family friend na si Bibeth Orteza ang nasabing balita.

Kasama ni Garcia sa kanyang silid sa intensive care unit ng ospital ang mga miyembro ng kanyang pamilya.

Nauna dito ay isinailalim sa “DNR” o Do Not Resuscitate status ang aktor makaraan siyang hindi na magkamalay makaraan ang nasabing aksidente.

Wala pang inilalabas na detalye ang kanyang pamilya sa magiging detalye ng burol at libing ng beteranong aktor.

Si Eddie Garcia, na nakilala sa bansag na ‘Manoy’ o Eduardo Verchez Garcia sa tunay na buhay ay ipinanganak noong May 2, 1929 sa Juban, Sorsogon.

Halos pitong dekada nagsilbi sa entertainment industry si Garcia, nakagawa ng ilandaang movie at TV projects.

Ilang awards na rin ang nakuha ni Garcia, isa na rito ang Urian Best Actor award mula sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino para sa pelikulang ‘Death Row’ noong 2000.

Nitong nakaraang Gawad Urian lang ay nanalo muli ng Best Actor si Eddie para sa pelikulang ‘ML’.

WATCH: ACTUAL FOOTAGE OF ACTOR EDDIE GARCIA COLLAPSING WHILE ON A TAPING FOR A TELESERYE IN KATUPARAN, TONDO