fbpx
≡ Menu

Lalaking nag-photo warp ng driver’s license para umano siraan ang LTO, papatawan ng karampatang parusa

Lalaking nag-photo warp ng driver’s license para umano siraan ang LTO, papatawan ng karampatang parusa

Isang litrato ang nag-viral sa social media matapos sabihin ng netizen na si Victor Paul Isaguirre Icuspit na lumapad ang pisngi at labi niya sa nakuhang driver’s license sa Land Transportation Office (LTO).

Ayon kay Icuspit, mabilis umano ang naging proseso ng kanyang driver’s license renewal niya sa LTO ngunit may isyu ang lumabas na mukha niya sa ID.

“Kudos sa LTO sa sobrang bilis na process nila ng license renewal ngayon, pero paki-ayos lang po sana ang camera ninyo!” ani Icuspit.

Dahil dito, agad na nag-imbestiga ang LTO tungkol sa viral na larawan ni Icuspit.

Kalaunan ay humingi ng paumanhin si Icuspit, at sinabing in-edit lang niya ang larawan gamit ang isang photo warp application.

I sincerely apologize for the troubles that I had caused to LTO/Department of Transportation for my ignorance by posting the edited Driver’s License on my facebook account. It was never my intention to put LTO/Department of Transportation to trouble by posting the edited picture. It was only for fun and only intended for my friends.”

The driver’s license that I received from LTO-BATAC CITY is perfect including my picture attached to it. I used “Photo Warp” to edit the picture on my driving license which was done also by some netizen.

Realizing that it might misled people, I had deleted the post few minutes after posting it and asked my friends to refrain from sharing the post. Needless to say, some had shared the post including Pinoy History and I was helpless realizing the mistake that I had done.

Again, I truly apologize to LTO/Department of Transportation and the netizen especially Pinoy History which were misled by my post.

Ayon sa LTO, ii-evaluate nila ang sitwasyon at ipapatawag si Icuspit para mapatawan ng karampatang parusa.

May paalala ang LTO sa mga netizen na ang pag-tamper sa mga government documents gaya ng driver’s license ay may legal consequences.

“Kahit na ito po ay nakakatawa para sa iilan, ang mga post ho na tulad nito ay nagdudulot ng maling impresyon sa Land Transportation Office-Philippines (LTO), at maaaring maging sanhi ng pagkabalewala ng paghihirap ng ahensya na magtrabaho ng tama at masipag, at maituwid ang mga pagkakamali ng nakaraan,” pahayag ng LTO.

“Nakikiusap din po kami sa ating mga kababayan na MAS MAGING RESPONSABLE SA KANILANG MGA INILALAGAY SA SOCIAL MEDIA, at iwasan pong maglathala ng mga maling impormasyon lalo na kung ito ay makasasama sa iba. Hindi ho tamang pagmukhaing masama o mali ang pagsusumikap na ginagawa ng mga kasamahan natin sa LTO upang makapagbigay ng mas mabilis at maayos na serbisyo sa ating mga kababayan,” dagdag ng ahensya.