in

BRP Jose Rizal at BRP Antonio Luna, pinakabago at pinakamalakas na barkong pandigma ng Pilipinas

Nabuo na ang isa sa dalawang barkong pandigma na binili ng Pilipinas sa South Korea.

Ang mga barko ay pinangalanan na BRP Jose Rizal (FF-150) at BRP Antonio Luna (FF-151).

Ito raw ang pinakamalakas na warship ng ating bansa at magsisilbi na pang-depensa sa teritoryo ng Pilipinas.

Ang mga barko ay ginawa ng South Korean company na Hyundai Heavy Industries na nagkakahalaga ng P18 billion.

Ang kontrata sa naturang proyekto ay pinirmahan noong October 24, 2016 ng Philippine’s Department of National Defense, Philippine Navy high command officials, Hyundai Heavy Industries executives, at ng South Korean Ambassador to the Philippines sa Philippine Navy Headquarters sa Maynila.

Ilan sa mga ipinagmamalaki na armas ng barko ay ang 76 milimeter main gun at 30 calibre remote-controlled gun.

Mayroon din itong anti-ship system, anti-aircraft missiles, sonar systems at torpedo, command management system (CMS) na nagsisilbing utak ng warships.

“She (BRP Jose Rizal) is the first combat ship to be designed and acquired for the Philippine Navy along with her sister-ship, the BRP Antonio Luna (FF-151) whose steel-cutting is also scheduled for this week,” pahayag ni Navy spokesperson Captain Jonathan Zata.

PANOORIN: MGA BAGONG BARKONG PANDIGMA NG PILIPINAS, PAPANGALANANG BRP JOSE RIZAL AT BRP ANTONIO LUNA

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment