fbpx
≡ Menu

Aroganteng customer na ayaw magbayad sa technician, binweltahan ng isa pang technician

Isang video na nakuhanan sa isang repair station ang nag-viral ngayon dahil sa ipinakitang ugali ng isang aroganteng customer.

Mababatid na ayaw magbayad ng lalaking customer ng service o repair fee na singil ng technician sa kanya sa pagkakaayos ng umano’y sirang cellphone niya.

Sa video na inupload ng Facebook ni Jonjon Razote, makikitang sinigawan at minura ng customer ang technician.

Giit ng customer, nasa sampung segundo lang na pagpindot para mapagana ng technician ang kanyang cellphone pero pagpapabayarin siya ng P300 sa ganoon lamang.

Tinakot pa ng customer ang technician na dadalhin niya sa malapit na barangay para ireklamo ito.

Binuweltahan naman ni Razote ang pagiging arogante ng customer kung bakit kailangan nitong magbayad kahit mabilis na naayos ang kanyang cellphone.