in

Austrian vloggers, nakuhanan sa video ang ‘dagdag-pasahe’ modus ng isang taxi driver ng NAIA

Malaki ang pasasalamat ng Austrian vloggers na sina Mike at Nelly sa naging aksyon ng Manila International Airport Authority (MIAA) hinggil sa isang taxi driver na naniningil sa kanila ng sobra nang dahil lamang sa kanilang bagahe.

Itinampok pa ng dalawang vloggers sa kanilang YouTube channel ang insidente kung saan tumanggi silang magbayad dahil alam nila kung magkano lamang ang nararapat na pamasahe lalo na’t maka-ilang beses na din silang pabalik-balik ng Pilipinas.

Agad naman nasakote ang taxi driver na nakilalang si Jhumil Bule na residente ng Taytay, Rizal sa pakikipagtulungan ng Intelligence and Investigation Department ng MIAA at ng Taytay PNP.

Nakaharap mismo ni MIAA General Manager Ed Monreal ang naarestong taxi driver at planong irekomemda sa Land Transportation Office (LTO) na tuluyan nang ipawalang bisa ang lisensiya nito.

Ipinag-utos din ni Monreal sa airport police na huwag ng papasukin ang lahat ng Davis Taxi sa lahat ng terminal ng NAIA kung saan pumapasok bilang driver si Bule.

Bukod dito, ipinagbawal na din ng MIAA na pumila sa NAIA Terminal 1 ang iba pang puting taxi bilang pasimula sa tuluyang pagbabawal sa kanila na pumila at kumuha ng pasahero sa apat na airport terminal sa Metro Manila.

“Beginning last Monday, May 6, we have removed the white taxi queuing lane in NAIA Terminal 1 as a prelude to eventually putting an end to the privilege given to them to line up and pick up passengers in the four (4) Terminals, “ ayon kay Monreal.

“While we do not intend to limit the choices to MIAA accredited transport, we are also duty bound to protect our passengers from enterprising drivers. This campaign against abusive taxi drivers also extends to the drivers of MIAA accredited transport services. No one is exempted here. We have no room for people who continue to destroy the reputation of NAIA and damage the image of our country before the world. Sadly, this people simply have no love for country,” dagdag niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0