in

20 miyembro ng NPA sa Eastern Samar, nalibing ng buhay dahil sa magnitude 6.5 na lindol

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na naapektuhan ng magnitude 6.5 na lindol sa Eastern Samar.

Ito ay kaugnay ng ulat na aabot sa 10 hanggang 20 miyembro ng NPA ang nailibing ng buhay sa pagtama ng malakas na lindol noong Martes.

Ayon sa Pangulo, inatasan na niya ang mga opisyal ng gobyerno na huwag pag-aksayahan ng panahon na mailigtas ang mga miyembro ng rebeldeng grupo.

Kasabay nito, tiniyak rin ng Pangulo na hindi gagastos ng kahit isang sentimo ang pamahalaan para hukayin ang mga miyembro ng NPA.

“Pagka ang NPA nabaon doon, huwag mong tulungan. Sabi na may nabaon doon na sampu o 20 NPAs there, just tell them that Duterte does not like to spend one centavo of fuel for the equipment to retrieve your comrades. He’s angry at you”, ayon sa Pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0