fbpx

P10-B bagong runway ng Clark International Airport na pinondohan ng Duterte government, 53% tapos na para sa 2020



Nakatakdang buksan sa taong 2020 ang bagong Terminal 2 ng Clark International Airport (CRK) na ngayo’y nasa 53% na ang progreso ng konstruksyon.

Sa ginawang inspeksyon ng “Build, Build, Build” Team, sinabi ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President Vivencio B. Dizon na sa pagbubukas ng paliparan, ito ay magiging pinakabagong premiere gateway ng Pilipinas sa Asya.

Sa lapad na 110,000 square meters na gusali ng Terminal 2, kaya nitong maglulan ng ₱80 million pasahero kada taon habang sa taas na 22 metro kumpara sa Mactan International Airport sa Cebu na 16 metro lamang, ito na rin aniya ang “pinakamatangkad na airport” sa buong Pilipinas.

“The new passenger terminal at Clark International Airport is now at 53% completion rate and is targeted to be operational by 2020. With a design that speaks of the unique characteristics of Central Luzon and Pampanga, the new Passenger Terminal Building will increase Clark International Airport’s capacity to ₱12.2 million passengers annually. It is also expected to decongest Ninoy Aquino International Airport and help create jobs and boost economic development in Central Luzon.”

READ:  Survivor ng lindol, ibinahagi kung paano nakaligtas ang kanyang pamilya sa gumuhong supermarket sa Pampanga

Binigyang diin pa ni Dizon na idinisenyo rin ang arkitektura ng terminal base sa topograpiya na nakapalibot sa naturang paliparan.

Ito ay gawa sa matitigas na kahoy na mula sa bansang Austria, ang trases na hinugis bundok na magsisilbing vista o porma ng magiging bubong ng Terminal 2.

Base naman sa ipinakitang rendisyon ng arkitekto, magkakaroon ng 17 air bridge tubes o iyong dinadaanan ng mga pasahero upang makasakay sa nakaparadang eroplano mula sa gusali ng paliparan.

May halagang ₱12.2 billion ang inilaan sa proyekto mula sa sariling kita ng BCDA na itatayo ng Megawide Corporation sa tulong ng Changi Airport ng Singapore.

Samantala, kasabay ng pagbubukas Terminal 2 sa 2020 ang pagkakaroon ng pangalawang runway ng CRK habang inihahanda na rin ang disenyo ng ikatlong runway nito.

Pinasalamatan naman ni Dizon si Pangulong Duterte dahil naisakatuparan ang proyektong ito na bahagi ng “Build, Build, Build” infrastructure program ng administrasyon.

Target din ng gobyerno na maging kauna-unahang “aerotropolis” sa bansa ang pinalalawak na CRK kung saan magtatayo rin ng iba’t ibang imprastruktura sa paligid ng airport

READ:  Higit $10-B na investment maiuuwi ni Pangulong Duterte sa pagbisita sa China

Like it? Share with your friends!

Leave a Comment