in

Bible reflection ngayong araw, tugma di umano sa naganap na magnitude 6.1 na lindol

Kumakalat ngayon ang Facebook post na binahagi ng netizen na si Krstna Snchez Dizon kung saan pinakita nito ang bible reflection mula sa ‘Didache – Daily Bible Reflections For Catholics’ ngayong araw na ito.

Kwento ni Krstna, nasa BDO daw siya nang maganap ang pagyanig ng magnitude 6.1 na lindol nang pinakita ng teller doon ang bible reflection sa araw na ito, Abril 22, na may pamagat na ‘The Big One.’

Ang ‘Didache – Daily Bible Reflections For Catholics’ ay isang daily bible reflection booklet para sa sa mga katoliko.

Maraming netizens ang kinilabutan at naniwalang isa itong paalala sa ating mga Pilipino patungkol sa ating pananampalataya sa Diyos.

Ngayong araw, Abril 22 bandang alas-5:11 ng hapon, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang kalakhang Luzon, na naramdaman sa karamihan ng parte ng Metro Manila.

Naging mabilis ang ilang netizens sa pagbabahagi ng mga kaganapan sa kanilang lugar, habang lumilindol at matapos ang sakuna.

Samantala, nagbigay paalala ang mga netizen na maging handa sa anumang sakuna at magdasal, at i-save ang mga numero ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno na pwedeng tawagan sakaling kailangan ng tulong.

ITO ANG BUONG POST NI KRSTNA:

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0