in

Pangulong Duterte, hindi sanay sa mamahaling pagkain; nagbaon ng karne norte, daing, patis, at bagoong sa Japan

Gaya ng mga nakalipas na biyahe abroad, may baon na sariling pagkain si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang biyahe sa Tokyo, Japan.

Ang “comfort food’ na bitbit ng Pangulo ay karne norte, daing, patis, bagoong at ginamos.

Sinabi ng Pangulo sa Filipino community sa Japan na hindi siya sanay sa mga mahal na pagkain kaya nagbaon siya ng kanyang pagkain.

Aniya, sanay siya sa maalat na pagkain kaya nagbaon ito ng kanyang abasto.

“Pinaka-ano ko is — pinakamasarap sa akin. Hindi dahil hindi ako makabili ng pansit na mahal. Nasanay na lang ang… Hindi ako magkain sa… I don’t have to mention the places. Wala ako sa umaga karne norte, sa gabi ‘yung odong pati sa — ihalo mo sa kanin. Para sa akin iyan ang pinakamasarap,” ayon sa Pangulo.

“Nagpunta kami ng Japan, nagbaon kami ng karne norte pati ah Japan, o dito meron ako. Kagabi naghanap ako ng patis. Hindi nandiyan, maski sumama kayo sa hotel ngayon. Meron talaga akong bagoong, meron akong patis pati ginamos,” dagdag na pahayag.

Nabanggit din ng Pangulo ang pagharang sa mga baon nilang corned beef nang bumiyahe ito sa India dahil bawal kainin ang karne ng baka sa nabanggit na bansa.

PANOORIN: PANGULONG DUTERTE NAGBAON NG SARILING PAGKAIN SA JAPAN

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment