in

Isang babae, nasunog ang lalamunan at tiyan dahil sa pag-inom ng milk tea

Isang babae ang nagkaroon ng chemical burns sa lalamunan at tiyan matapos niyang uminom ng milk tea.

Ayon sa isang report, pinasuri sa eksperto ang natirang milk tea at nakumpirma na may laman ito na isang uri ng disinfectant o panlinis.

Nabili nila ang nasabing milk tea sa isang fastfood chain kung saan napansin agad ng babae na may kakaibang lasa ang milk tea.

Kaya agad na inamoy ng mister ng biktima ang inumin at mayroon daw itong matapang na amoy.

Nagsimula nang magsusuka at sumakit ang tiyan ni misis matapos ang ilang minutong nakalipas.

Nang kausapin ng mister ang staff sa fastfood chain, inamoy daw ng staff ang milk tea at itinapon ito ng patago.

Mabuti na lang at kinuha ng mister sa basurahan ang baso ng milk tea kaya naipasuri nila ito.

Bukod sa pagkasunog ng lalamunan at tiyan ng biktima, posible rin daw na nasunog ang kanyang vital organs kagaya ng kanyang atay at kidneys.

Kaya nagbigay sila ng paalala sa lahat, na kung may naamoy at may kakaibang lasa ang iniinom na milk tea ay agad na itong itapon.

Isa ang milk tea sa paboritong inumin sa Pilipinas at malaking patunay dito ang nagkalat na milk tea stores.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment