fbpx

Atty. Larry Gadon, nanawagan na ibalik ang death penalty kasunod ng pagpatay kay Christine Silawan



Sa isang Facebook Live video, binanatan ni Atty. Larry Gadon ang mga politiko, simbahan, at human rights advocates na tikom ang bibig sa kaso ng brutal na pagpaslang sa 16-anyos na si Christine Lee Silawan na tinadtad ng saksak at binalatan pa ang mukha.

“Dapat nang ibalik ang death penalty, nakakalungkot talaga, nakakangitngit at nakakagalit ang nangyari kay Chrsitine Lee Silawan sa Lapu-Lapu City. Kapag drug addict ang namamatay ang mga ipokritong mga politiko ay panay ang dalaw at sigaw ng katarungan pero kagaya nitong pagpatay at pagtalop ng mukha ni Christine Lee Silawan,” banat ni Gadon.

Aniya, walang ginagawa ang mga kritiko kundi isisi ang lahat kay Pangulong Rodrigo Duterte pero nananahimik naman sa mga kaso ng rape, pagpatay na kinasasangkutan ng menor de edad, at iba pang karumal-dumal na krimen.

“Wala kayong kibo puro kayo ipokrito. Puro kayo sisi kay Duterte pero ang sarili niyo hindi niyo tinitignan, ang pagka-ipokrito niyo,” banat ni Gadon.

READ:  Babae, nagpaputol ng paa para mailabas sa gumuhong supermarket sa Porac, Pampanga

Naniniwala din si Gadon na sayang lang ang buwis na binabayad ng taong bayan para sa pagpapakain sa mga kriminal na nakagawa ng mga krimen.

READ:  General Luna, Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.5 na lindol; sinabayan ng magkakasunod na malakas na pagyanig

Like it? Share with your friends!

Leave a Comment