fbpx
≡ Menu

Mayor Vico Sotto, sinisi ang umano’y eksperimento ng MMDA sa tumitinding daloy ng trapiko sa EDSA

Mayor Vico Sotto, sinisi ang umano’y eksperimento ng MMDA sa tumitinding daloy ng trapiko sa EDSA

Nagpaliwanag si Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang mga constituents kung bakit lalong tumindi ang daloy ng trapiko sa EDSA, C5 at mga kalapit na lungsod.

Idinaan sa Facebook ng alkalde ang pagpapaliwanag kung bakit mas lumala ang trapik nitong mga nakaraang araw.

Una nang inalis ni Mayor Vico ang odd-even scheme sa mga kotse na dumadaan sa Pasig subalit sa halip na lumuwag ay lalo pang sumikip ang daloy ng mga sasakyan sa kalunsuran.

“In recent days, we have had to deal with even more challenges. Most notably, the efforts of the MMDA along EDSA have greatly increased vehicle volume in C5 and even the interior roads of Pasig,” sabi ni Sotto.

Aniya, dahil sa mga eksperimentong isinagawa ng MMDA sa EDSA upang maibsan ang trapik ay dumoble naman ang dami ng mga sasakyan dumaan sa C5 kaya laging trapik.

“We will defer to the wisdom & authority of the MMDA, but this increased traffic on our side is a reality for now,” sabi ni Mayor Vico.

Aniya, naghihintay siya ng bagong rekomendasyon kung paano luluwag ang mga kalsada subalit maraming problema ang sumusulpot na wala na umano sa kanyang control.

Gayunman, isa sa nakikita niyang solusyon sa problema ang pagdadagdag ng mass transportation.

“The bottomline is that traffic in Pasig and Metro Manila will continue to worsen no matter what traffic policies we have, UNLESS we lessen the demand for cars. This means a greater focus on moving people rather than private vehicles. This means incorporating more non-car modes of transportation in our long-term plans,” dagdag pa ni Sotto.