≡ Menu

Leni Robredo sa eleksyon 2022: Hindi ako tatakbo sa pagkabise kung hindi ako handa para sa pagkapangulo

Leni Robredo sa eleksyon 2022: Hindi ako tatakbo sa pagkabise kung hindi ako handa para sa pagkapangulo

Hindi pa rin isinasantabi ni Vice President Leni Robredo ang posibilidad ng pagtakbo bilang pangulo sa eleksyon sa 2022.

Ito ang kinumpirma ni Robredo nang tanunging sa interview ng isang international news agency na Bloomberg TV.

Hindi man tahasang binanggit ni Robredo ang kanyang plano, nagpahaging naman hinggil ito sa posibilidad na kumandidato bilang presidente.

Dagdag pa nito, sapat ng dahilan ang kanyang pagtakbo noon bilang bise presidente para subukan ang kanyang kakayahan sa pagiging lider ng bansa.

“If you ask me now, I have no plans, but I am leaving everything open,” ani Robredo sa interview.

“I wouldn’t have run for the vice presidency if I didn’t feel I was ready for the presidency,” dagdag pa niya.

Kung maaalala, dati ng sinabi ni Robredo na wala sa kanyang plano ang pagtakbo sa pagkapangulo.

Ayon sa kanya, tadhana lang ang makapagsasabi kung tatanggapin niya ang alok bilang na kandidatura sa 20202 presidential elections.

Sa ngayon, nahaharap si Robredo sa Electoral protest na inihain ni Bongbong Marcos at kasong Sedition na isinampa naman ng PNP-CIDG kaugnay sa ‘Ang totoong Narcolist’ videos ni alyas Bikoy.

Matatandaan na ipinahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte na humihingi siya ng banal na patnubay kung itutuloy niya ang pagtakbo bilang presidente sa eleksyon 2022.

“Based on life experience, everything will be easier if it’s the plan of God. Before I think about that, I should ask God first, ‘Is this for me?,” ani Sara.

Sa TV show na Kingdom of Jesus Christ, inamin ng anak ni Sara na humihiling pa siya ng karunungan mula sa taas upang maiwasan ang pagkakamali sa desisyon.

“Siguro para hindi tayo magkamali, we need to pray for wisdom on who to go about it and how to decide,” dagdag niya.