in

ESPN commentator Keith Olbermann, tinawag na ‘garbage’ si Pangulong Duterte

Isang dayuhan na commentator ang binabatikos ngayon ng netizens matapos ihalintulad sa basura si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nag-ugat ang isyu matapos i-retweet ni Keith Olbermann ang balita ng CNN Philippines na ipapadala ng Pangulo ang basurang tinambak ng Canada sa Pilipinas pabalik sa naturang bansa.

Saad ni Olbermann ay kung ipapadala ba ng Pangulo ang kanyang sarili sa Canada, tila sinasabing ang Pangulo ang pinapatungkulan bilang basura.

Si Olbermann ay sports at political commentator ng ESPN, at kilala sa mga pambabatikos nito sa ilang matataas na indibidwal gaya ni dating United States President George Bush at incumbent President Donald Trump.

Mababatid na naglabas ng utos ang Pangulo sa mga opisyal ng gobyerno na maghanap ng pribadong shipping company na magtatapon ng basura sa territorial waters ng Canada kung hindi nito tatanggapin ang kanilang basura.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, noong May 15 pa dapat ang deadline ng Canada para kuhain pabalik sa kanila ang basura pero hindi ito tumupad, dahilan para umano magalit ang Pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment