3 pulis, instant komadrona matapos tumulong sa pagpapaanak sa isang palaboy sa parke

Pinuri ng netizens ang tatlong pulis ng Jaro Police Station matapos tulungang manganak ang isang babae sa Jaro Plaza. 

Nakilala ang tatlong pulis na sina Patrolman Venjie Nebit, Patrolman Roman Paja, at Patrolman Rico Yan Inocencio.

Napag-alaman na may diperensya sa pag-iisip ang babae at sa plaza ng Jaro na natutulog.

Nang malaman ni PNP chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang ginawa ng tatlong rookie cops ay pinapurihan niya ang mga ito at nangakong bibigyang pagkilala sa pagganap sa isang trabaho na lampas na sa kanilang tungkulin.