Lalaki, nandiri sa nabiling isaw ng manok na puro dumi at patuka ang laman

Isa sa mga pinaka-paboritong kinakain ng mga pang masang Pinoy ang mga lutong inihaw.

Hinahanap-hanap ang masasarap na mga nakakahiligang parte ng baboy at manok at ang naiibang timpla ng mga sawsawan para dito. 

Mabenta sa lahat ang isaw ng manok, dahil bukod sa ito ang pinakamura ay tiyak namang matatakam at mabubusog kang talaga. 

Ngunit marami din ang may agam-agam sa pagkain ng isaw ng manok, lalo na kung hindi ito nalinisan ng maayos at hindi tama ang pagkaluto nito. 

Katulad nalang ng naging post ng netizen na si Rhyan Zamora kung saan hindi niya maiwasang pandirihan ang pagkahanda at pagkalinis ng inorder nilang isaw ng manok.

Hindi maiwasan ni Rhyan maglabas ng kanyang pagkadismaya sa nakitang dumi sa loob ng isaw ng manok.

Kaya pala ito malaki at matataba dahil puro pala patuka ng manok ang nasa loob.

BASAHIN ANG KANYANG BUONG POST NA ISINALIN MULA SA WIKANG BISAYA:

Kung magbebenta man kayo ng inihaw na isaw, wag naman sanang kayo maging balahura.

Napakatamad niyo naman maglinis. Hindi niyo man lang iniisip ang mga bumibili. Meron pang mga pagkaing patuka ng mga manok sa loob, malalaki pa. Linisan niyo man lang sana ulit bago niyo timplahan at tuhugin.

Ako ang nandidiri sa style niyo. Wala na ngang lasa ang pagkatimpla (Yes, masasabi kong wala talagang siyang lasa kasi nakakain nadin kami diyan. Chicken wings ang pinaluto ko pero wala talagang kalasa-lasa, hilaw pa ang pagkaluto)

Hindi naman lahat BBQ-han, pero meron talaga isa jan.