Sanggol, natagpuang inabandona kasama ang isang sulat mula sa kanyang ina

Natagpuan sa bakuran ang isang sanggol na babae sa Lotloton, Enrique Villanueva, Siquijor nitong Enero 11.

Ayon kay Meralyn Sagayno Vega, nakasilid sa karton ang sanggol at may iniwang sulat ang ina ng bata.

Nakasaaad na ang pangalan ng sanggol ay “Kathleen”, pinanganak noong November 3, 2021 at laman din sa sulat ang paghingi ng tawad ng ina.

Ayon sa sulat ng ina na isinalin mula sa wikang Cebuano:

“Maam/Sir Pakitulong po na mabuhay ang anak ko. Aking hiling na makitang mabinyagan siya habang buhay pa ako dito sa mundo. Hindi po ako taga rito. Dinala lang po ako ng naka-buntis sa akin, pero nong nag walong buwan na ang tiyan ko, iniwan niya ako. Sinasaktan rin niya ako. Hindi pa nga ako nakakabayad sa aking panganganak. Umaasa akong marehistro ang anak ko at ma-immunize. Tatlong araw na akong hindi kumakain, umiinom na lang ako ng tubig.”

Humingi rin tawad ang ina sa kaniyang anak:

“Patawarin mo ako baby. Gusto ko Lang na mabuhay ka. Pagod na pagod na ang katawan ko at hindi ko na kaya.”