Lalaki, na banned sa pagsakay ng eroplano matapos gumamit ng panty bilang facemask

Dalawang airlines ang nag banned sa isang 38-anyos na lalaki sa Estados Unidos sa kanyang pagsakay sa alinman sakanilang mga eroplano.

Ito ay matapos na hindi sumunod sa mask compliance ng United Airlines ang lalaki nang sinubukan nitong bumyahe mula sa Fort Lauderdale patungong Washington.

Mabilis na kumalat at nag viral online ang video na kinasangkutan ni Adam Jenne, kung saan makikitang pinababa siya ng flight attendant sa eroplano dahil hindi ito mapakiusapan na gumamit ng totoong facemask sa halip na gumamit ng panty.

Ayon naman kay Adam, ang pagsusuot niya ng panty bilang facemask ay bahagi ng kanyang protesta sa pag required ng facemask sa loob ng eroplano, gayong ito raw umano ay isang kalokohan lang lalo na at tinatanggal naman ito tuwing kakain o iinom.

Samantala napag-alaman na hindi lang pala ang United Airlines ang nag banned kay Adam sakanilang mga eroplano gayundin ang Delta Airlines ng dahil rin sa kaparehong inasal at ginawa nito.