Connect with us

Viral

Lalaki, tiklo matapos mahuli sa aktong dumudumi sa Manila Bay

Inaresto ang isang lalaki matapos mahuli sa aktong dumudumi sa Manila Bay nila Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda habang nagsasagawa ng clean-up drive.

Ayon sa hindi pa nakilalang lalaki, hindi na niya mapigilan kaya’t naisip na dumumi sa Manila Bay.

“Hirap na hirap kami kalilinis. Tinataehan mo? Bawal nga ‘yun eh kahit sa tubig ka tumae,” gigil na pahayag ni Antiporda habang kausap ang lalaki na hindi pa nakikilala.

Sa kabila ng paliwanag, tiniyak ni Usec. Antiporda na maaaresto ang nasabing lalaki kung saan siya mismo ang tatayong complainant.

Una nang naglabas ng saloobin si Antiporda kasunod ng kaliwa’t kanang reklamo habang nagpapatuloy ang rehabilitasyon kabilang na ang paglalagay ng artificial white sand sa Manila Bay.

Aniya, noong basura at dumi ng tao ang nakatambak doon wala silang nakikitang nagrereklamo pero ngayong pinapaganda ito ay saka naman nagkakaroon ng pambabatikos.

Pinangunahan ni DENR Usec. Antiporda at Usec. Jonas R. Leones ang clean-up drive bilang paghahanda sa International Coastal Cleanup sa September 19, 2020.

Sa isang pahayag, sinabi ni Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano na oras na makumpleto ang proyekto ay mae-enjoy na ang white sand sa Manila Bay. 

Comments

Viral

Isko Moreno, sinopla ang mga kritiko ng white sand project ng Manila Bay

Sinopla ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga tumututol sa isinasagawang rehabilitasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Baywalk, Manila Bay sa Maynila.

“Don’t make it appear na pinanahalagahan ninyo ang kapakanan namin (Manilans) kesa sa pinahahalagahan namin ang kapakanan namin. Di kayo ‘knight in shining armor.’ We are excited to benefit from it but we guarantee, if there is any violation of environmental protection or laws, we will act but so far, maliwanag na walang panganib,” ayon kay Moreno.

Ang pahayag ay ginawa ni Moreno bilang reaksiyon sa napakaraming tumututol at biglaang naging specialist experts sa isyu ng white sand at dolomites sa umano ay panganib na idudulot sa mga residente ng Maynila.

Positibo naman ang pananaw ni Moreno dahil naniniwala ito na pinag-aralang mabuti ng mga propesyunal tulad ng mga “engineer” ang isinagawang paglalatag ng white sand sa Manila Bay upang mapanatili ito at hindi basta-basta matatangay ng alon.

Sakali naman na mabawasan ang mga inilatag na white sand sa Manila Bay dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay handa namang tumulong ang lokal na pamahalaan na maglaan ng panggastos dito upang mapanatili ang ganda at kaayusan na inaasahang magiging atraksyon sa publiko partikular na sa mga turista.

Comments

Continue Reading

Viral

Foreign vloggers, humanga sa Manila Bay ‘white sand project’ ng gobyerno

Kamakailan lamang ay inulan ng batikos ang isinasagawang rehabilitasyon sa Manila Bay kasunod ng pagbubuhos ng dinurog na dolomite rock bilang artificial white sand.

Maraming mga kilalang personalidad at mga oposisyon ng gobyerno ang pumuna sa naging hakbang na ito, hindi rin nakaligtas ang adminitrasyon dahil mas inuna pa umano ito kaysa bigyan ng pagkain ang mga mahihirap.

Sa kabila nito, iba naman ang opinyon ng mga Austrian vlogger na sina Mike at Nelly.

Dahil umagaw ng atensyon ang white sand project sa Manila Bay, nagtungo ang dalawa para personal makita kung paano pinapaganda ang naturang tourist spot.

“Right now, the Manila Bay area is being peppered with sands to make it really really beautiful for all of us and it is freaking amazing. Look at it! It’s like building a sand castle,” sabi ni Mike.

Ikinumpara naman ni Nelly ang proyekto sa isang lugar sa Estados Unidos.

“This is a really bit of a Miami feeling I guess. In a few weeks, maybe we should come back. I think it is going to look really really nice. I’m really looking forward to it. Manila is getting better and better every week, “ dagdag naman ni Nelly.

Comments

Continue Reading

Trending

    © 2020 PhilNetizen. All Rights Reserved.